Dapat ay maging mabangis ang gobyerno sa pagpataw ng parusa sa kompanya na nasa likod ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Upang hindi matagalan ang dulot na epekto nito sa karagatan at sa mismong kabuhayan ng mga mangingisda.
Nabisto sa Senate hearing na wala palang permiso ang kompanya upang maglayag sa Oriental Mindoro kung kayat may posibilidad na madiskaril ang claim nito sa insurance.
Sa paglubog ng MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro ay lumawak pa ang pagtagas ng langis sa mga kalapit probinsiya na mas marami na ang apektado.
Dapat ay papanagutin ang kompanya ng MT Princess Empress na RDC Reield Marines Services.
Sakaling hindi makakuha ng kabayaran sa insurance ay dapat na sampolan ng gobyerno ang mga opisyal ng kompanya.
Ang masaklap nito ay maaring magdeklara lang ng bankruptcy ang kompanyang ito para mawala na ang pananagutan .
Madalas kasi na pinapalusutan ng mga kompanya ang kanilang pananagutan sa pananagutan ng deklarasyon ng bankruptcy.
Dapat ay agad ipakulong ang mga opisyal ng kompanya at ilitin kung anuman ang ari- arian nito upang maibigay bilang danyos sa mga apektado ng pagtagas ng langis sa karagatan..