WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Utol ng secretary ni Teves pasaklolo sa CHR

Nagpasaklolo ang kapatid na babae ng secretary ni Congressman Arnie Teves na kasamang inaresto ng Criminal Investigation ang Deteciton Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Hazel Sumerano, kapatid ni Hanna Mae Oray na secretary ni Teves, nangangamba siya sa kalagayan ng kaniyang kapatid at bayaw na kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG.

Aniya, tinatakot umano ang kaniyang kapatid at bayaw at pinipilit na tumestigo laban kay Teves.

Si Hanna Mae at ang asawang si Heracleo Oray ay inaresto ng CIDG-Dumaguete noong March 10 matapos na masamsaman ng dalawang pistola ng isagawa ang raid sa bahay ni Teves.

Una nang naiulat na kinasuhan na ng CIDG ang mag-asawa.

Sinamahan si Hazel ng isa sa mga abogado ni Teves na si Atty Toby Diokno sa CHR.

Giit ni Hazel, ang sinamsam na dalawang caliber 45 na baril mula kay Heracleo ay pawang mga lisensyado.

Pero, ayon sa CIDG-NCR revoked o wala nang bisa ang lisensya ni Sumerano.

Ayon kay Atty Toby Diokno, humihingi sila ng proteksyon sa CHR dahil sa nilabag ang karapatan ng mga Oray.

May mga paglabag na aniya mula sa proseso ng raid at sa ginawang pag aresto.

Giit ng abogado, ipinasisilip nila sa CHR ang ginagawang panggigipit umano sa mag-asawa para piliting mag-execute ng affidavit na magdidiin kay Teves sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

(Dolly B. Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on