WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Ex-NPA isa sa killer kay Degamo

Isang dating miyembro ng New People’s Army ang kabilang sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, sinabi ng militar nitong Miyerkules.

Napatay si Arnil Labradilla sa isinagawang hot pursuit operation sa Barangay Cansumalig, Bayawan City, noong gabi ng Marso 4.

Ayon kay Major Cenon Pancito ng Special Joint Task Force Negros, ito ay nagpapatunay na ang mga suspek na kanilang tinutugis ay may karanasan sa pakikipaglaban.

Gayunman, iginiit ng Special Joint Task Force na hindi doon magtatapos ang pagtukoy sa mga suspek sa pamamaril kay Degamo habang sinisikap pang kilalanin ang mga sangkot sa pagpaplano ng pagkamatay ng gobernador. (Dolly B. Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on