Halos isang taon ding nawalan ng trabaho si Anjo Yllana bago pa magkaroon muli ng show sa TV 5. Sa aming interview sa kaniya sa MARISOL ACADEMY TSIKA TONITE, sinabi niyang buti na lang sa loob ng mga panahong iyon ay may tumulong sa kaniyang kaibigan.
” Malaki ang pasasalamat ko kay Senator Jinggoy Estrada kasi nabigyan niya ako ng work. Siya lang talaga ang tumulong sa akin. ”
Inalam din namin kung ano ang realization niya sa mga panahong wala siyang trabaho.
” Kasi nu’ng araw inisip ko na hindi ka mawawalan ng trabaho so, iniisip mo rin na hindi ka mawawalan ng pera. Naisip ko na oo maraming blessings no’n. Marami akong nagawa sa buhay.”
Marami rin raw siyang natulungan at napaaral niya ang mga anak niya at kapatid pa nga pero may na-realize siya.
“Puwede ka palang maging masaya pag modest lang ‘yung work mo, modest din yung income mo.”
“Akala ko hindi ka magiging masaya kapag hindi ka kumikita ng milyon pero narealize ko na mas naa-apreciate ko yung value ng pinagtrabuhan ko ngayon. Mas masarap bumili ng fried chicken na eto lang yung pera mo kesa dati na madami kang pera bibili ka ng steak.”
Sa leksyon naman daw na natutunan niya na nawalan sila ng show sa Net25 ay itigil na raw ang pagiging pikon kasi walang pupuntahan, maaapektuhan lang ang trabaho mo at pamilya mo
Kahit gaano ka iprovoke,ihanda mo na ang sarili mo na huwag ma-provoke.
Inalam din namin sa kaniya kung ano ang update ng awayan nina Janno Gibbs at Kitkat na dating kasama niya sa programa ng Net 25. Nagkaroon ba ito ng pag-aayos o natapos lang ‘yun ng ganun na lang?
” Ito yung Happy Time? Mag-isa na lang kasi ako no’n eh. Tapos nag-decide na rin ako to run no’n kaya nagpaalam na rin ako.”
” Sayang ang ganda na sana ng umpisa baka next time.”
Lesson learned daw na nangyari ay “Sana kami ni Janno, lalo na si Janno eh kailangan chill lang.”
Mapapanood pa rin ang nasabing interview ni Anjo sa Marisol Academy Tsika Tonite, ang pinakabagong online talk show hosted by Roldan Frias Castro, Mildred Bacud at Rommel Placente, tuwing Miyerkules alas kwatro ng hapon. Tumutok sa Abante News Online Facebook, Abante YouTube channel at Abante News TikTok!