WebClick Tracer

METRO

Doktor kinalawit sa kasong homicide

Inaresto ang isang doktor na may kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property sa Batac City, Ilocos Norte, kamakalawa.

Ayon kay Batac City Police Station (BCPS) chief-of-police P/Lt. Col. Adrian Gayuchan, hindi muna kinilala ang suspek na isang ophthalmologist sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, sa bayan ng Batac, ng Barangay Callaguip ng nasabing siyudad.

Aniya, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Maria Victoria Acidera, ng Pasuquin-Burgos, Ilocos Norte noong Miyerkules, ay naaresto ang doktor sa pagkakasangkot niya sa isang aksidente.

Napag-alaman na nagpiyansa ang doktor ng P60,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan ngunit panibagong warrant of arrest ang ibinaba sa kanya kaya muli siyang inaresto. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on