WebClick Tracer

METRO

Grade 5 sumabog ang ulo sa boga ni lolo

Todas ang isang Grade 5 na estudyante matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa loob ng bahay ng kanyang lolo sa Barangay Bekigan, Sadanga, Mountain Province noong Miyerkules.

Ayon sa report ng Sadanga Police Station (SPS), ang biktima ay isang 11-anyos, at Grade 5 student ng Bekigan Elementary School.

Sa inisyal imbestigasyon, kasama umano sa loob ng bahay ng biktima ang kanyang siyam-na-taong gulang na kapatid habang nilalaro nito ang .22 pistola.

Habang nilalaro ang baril na sinasabing pag-aari ng lolo, aksidente nitong nakalabit ang gatilyo at pumutok sa kanyang ulo.

Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival habang ang kanyang nakakabatang kapatid ay nasa kustodiya ng Sabanga Social Welfare Office.

Samantala ang baril na nilaro ng biktima ay kinuha na ng mga awtoridad at isinasailalim sa imbestigsyon, (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on