Naba-bash ngayon si Issa Pressman dahil sa ipinost niyang mga larawan sa kanyang Instagram page kung saan ay makikitang magkasama silang dumalo ni James Reid sa concert ni Harry Styles na ginanap sa Bulacan.
Sa mga larawan, ang pinaka-intriguing sa lahat na naging dahilan ng espekulasyon na may relasyon sina Issa at James ay ‘yung magka-holding hands silang dalawa.
Of course, hindi ito pang-friends lang na holding hands kaya naman hindi nakapagtatakang isiping item sila lalo pa nga’t noon pa ay na-link na rin naman sila.
Kaya naman umandar na naman ang mga haters at tinawag siyang ‘ahas’. Feeling kasi ng ibang fans, siya ang dahilan umano ng break-up nina James at Nadine Lustre.
Pati ang anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid na nagkomento lang ng “cuteee” ay na-bash din at pinaratangang kaibigan ng ahas. In fairness to Issa, naging maagap siya dahil the next time we checked, burado na ang mga hate comments sa kanya at sa mga kaibigan.
Marami namang nagtanggol sa kapatid ni Yassi Pressman sa paratang na ‘ahas’ siya.
“Uy Teka! Issa and Nadine are still friends. Even si Yassi! So this may have happened just recently. Benefit of the doubt na lang din mga kapatid. Masaya na din si Nadine where she is now,” komento ng isang netizen.
“James did not cheat with Issa that time. Maniniwala ako kay M. If they’re together now. So be it. Pero yung una. Nope! And manager(?) ni Issa si James,” pagtatanggol pa ng isang IG user.
“Kumalma kayo hoy allowed mag move on ang mga tao,” sey naman ng isa pa.
“So happy for you issa ❤️❤️ you deserve to be loved 😍😍 pero sobrang dameng ampalaya 😂😂 to be honest the fact na wala silang magawa kundi mang bash ng bash ng Di nmn nila alam the whole story.. Be happy always may mga fans mo like me na happy kung ano man un nag papasaya sau 😍😍 tsaka to be honest bagay kau ni James,” comment ng isang fan ni Issa.
“Kaloka. mga inggitera! bakit ba di kayo maka move on at maging masaya for james like for nadine? jinowa lang ang friend cheater agad?! what an accusation! saka pano niyo naman nasabing siya dahilan ng hiwalayan? ugh. kaloka kayo,” litanya naman ng isa pang supporter ni Issa.
Matatandaang bago pa man naghiwalay sina Nadine at James ay nagkaroon na ng tsismis tungkol sa aktor at kay Issa. Hindi nagtagal ay umamin na ang dalawa na break na sila.
Kaya kung baga, si Issa ang huling na-link kay James before his break-up with Nadine kaya hindi maiwasang maisip ng mga tao na third party ang dalaga.
Matatandaan ding itinanggi ni James noon ang tsismis tungkol sa kanila ni Issa at humingi ng dispensa sa dalaga gayundin kay Yassi sa pagkakadawit ng magkapatid sa break-up issue.