NI: ROLDAN CASTRO
Parang walang pinagdadaanang isyu si Luis Manzano nang dumalo siya sa star-studded first anniversary celebration ng Bingo Plus. Kalog pa rin siya at mapagbiro habang iniinterbyu.
Proud niya ikinukuwento na enjoy siya sa pag-aalaga sa kanilang baby na si Isabella Rose o Baby Peanut.
Mabigat sa kanya na umalis ng bahay para magtrabaho dahil name-miss niya agad si Rosie.
“’Eto totoo ‘to ha, napi-feel ko na ‘to.’Yung sinasabi ng ibang mga magulang na uwing-uwi na sila. Tapos si Jessy, ang ginagawa niya, nagpapadala ng mga video ni Peanut. It’s so hard to leave the house,” bulalas niya.
Inurirat din siya kung ano ang gusto at ayaw niyang mamana sa kanya ng anak na si Baby Peanut,
“’Yung gusto, I think, that’s for other people to answer. Ayoko namang sabihin ‘yung magagandang katangian ko,” pakli niya.
Pero ‘yung kakulitan daw ni Luis ang ayaw niyang magaya ng kanyang anak .
Anyway, isa Luis sa pinakaunang endorser ng Bingo Plus, ang first live streaming bingo sa Pilipinas. Inilunsad ang nasabing brand noong January, 2022..
“It’s nice when you have something like this and you grow together. That’s the best part,” bulalas ng aktor-tv host.
Anyway , maraming artista ang nakisaya sa first anniversary ng Bingo Plus sa Grand Hyatt Hotel Manila. Dinaluhan din ito nina Maine Mendoza,Vice Ganda, Regine Velasquez, SB19, Billy Crawford and Coleen Garcia, Bela Padilla, Sam Concepcion, Bea Binene , Alamat, Nikko Natividad – Wilbert Ross, Mccoy De Leon, Daryl Ong, Lea Jane, Bianca Santos, Carlyn Ocampo, This Band, Kim Molina, Katrina Velarde at marami pang iba.
Sa nasabing selebrasyon, namigay ng P50-million ang Bingo Plus sa Mega Jackpot at P1- million worth of raffle giveaways sa lahat ng kanilang supporters. Nag-donate rin ang Bingo Plus ng mahigit P10-million sa charity bilang pagbabalik pasasalamat sa lahat ng kanilang mga loyal supporter.
Para sa ibang detalye bumisita sa www.bingoplus.com.