Mga kasosyo pala ni Mr. Gerry “Mr Freeze” Santos ang mga celebrity friends niya na sina Albert Martinez, Derek Ramsay at Isabelle Daza sa kanyang ice plant business.
“Ano lang sila, silent investors. Para kang nag-time deposit, ganu’n. So, hindi sila nakikialam sa operation,” pagbabahagi ni Mr. Freeze sa ginanap na mediacon and contract signing para sa first entrepreneurial show sa AllTV Network, ang Negosyo Goals.
Si Derek, bago pa man niya naging kasosyo ay matagal na raw niyang matalik na kaibigan at ayaw nga raw sana niya itong maging business partner.
“Matagal din akong umoo kasi siyempre, ayokong masira ang friendship, eh. After 3 years, do’n ako umoo. Sabi ko, ‘wag na tayong mag-business together, mahirap.’
Pero luckily, nang ituloy nila ay naging okay naman ang partnership nila at hindi naman daw sila nagkaproblema.
Si Isabelle naman daw ang pinakamalaking investors sa mga celebs dahil may 8-10 franchised ice plant na ito.
Natanong din si Mr. Freeze sa pinagdaraanan ngayon ng kaibigan din niyang si Luis Manzano na as we all know ay nasasangkot ngayon sa scam issue.
Of course, nalulungkot daw siya for Luis dahil alam niyang napakabuting tao nito at ang hangad lang ay makatulong sa marami, pero ngayon ay nabiktima rin sa Flex Fuel investment scam.
Payo niya kay Luis, kumuha raw ito ng magaling na abogado nang maisaayos ang problema at malusutan ang isyung kinasasangkutan.
Si Mr. Freeze ang host ng bagong programa sa AllTV na “Negosyo Goals” na naglalayong magbigay sa manonood and aspiring entrepreneurs ng mga insights kung paano magsimula ng sariling negosyo.
“It is an honor for us to be part of ALLTV which shares the same vision of empowering aspiring Filipino entrepreneurs,” pahayag ni Gerry.
Present din sa contract-signing ang mga producers ng show na sina Ivy Ataya, CEO of Makers Mind Production at Joyce Selga.
Positibo naman ang ALLTV President Maribeth Tolentino sa bagong partnership nila sa Makers Mind Production.
Mapapanood ang “Negosyo Goals” every Sunday, 11:30am simula ngayong March 19. (Vinia Vivar)