WebClick Tracer

METRO

Mag-utol na senior citizen, natagpuang patay

Kapwa wala nang buhay nang matagpuan ang magkapatid na senior citizen ng matagpuan,kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District -Homicide Section ang mga biktimang sina Elizabeth De Leon Porras, 84, pediatrician at Alicia De Leon Porras, 64, may sakit na schizophrenia, kapwa walang asawa at na nakatira sa Verdad St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nadiskubre ng testigong si Malou Veras na patay ang magkapatid nang magdala ito ng pagkain pasado alas 8 ng umaga.

Kumakatok umano si Veras pero walang sumasagot kaya humingi ng tulong sa Lacson Police Community Precint.

Dahil dito, puwersahang binuksan ang pintuan ng bahat at doon ay bumungad sa kanila ang magkapatid na wala nang buhay na nakahiga sa kanilang kama.

Nalaman na si Veras ay kasambahay ng kaanak ng mga biktima na si Atty. Anna Patricia Jacobo. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on