Arestado ang ang isang lalaki na nang-hostage ng isang senior citizen nang hindi payagan ang kanyang magiging kapalit sa pagbabantay sa ospital at halos tatlong araw na umanong hindi kumakain sa Pagadian City, Biyernes ng madaling araw.
Batay sa imbestigasyon, pasado alas-4:00 ng madaling araw nang mapansin na balisa ang suspek na kinilalang si Danny Alvaro.
Bigla ito nagwala kaya biglang umalis ang mga katabing nagbabantay sa loob ng ospital.
Naiwan naman ang nagbabantay din na nakilalang si Saturnina Vergas na noon ay natutulog.
Nagulantang na lamang ang lola nang hablutin siya ng suspek saka hinawakan sa leeg at tinutukan ng patalim.
Agad namang inaresto ng mga guwardiya ang suspek at sinabing nagawa lamang niya iyon dahil tatlong sa araw niyang pagbabantay ay hindi siya kumakain.
Aniya, may papalit naman sana sa kaniyang banta, pero kailangan muna itong dumaan sa swab test na nagkakahalaga ng P600 na kaniyang inalmahan dahil pambili niya umano iyon ng pagkain.
Paliwanag naman ng mga nangangsiwa ng ospital, bahagi ng kanilang polisiya na isailalim muna sa swab test ang sinumang papayagan na magbantay sa pasyente.
Kumalma naman ang supek nang dumating ang kaanak nito na papalit sa kaniya.
Hawak na ng Pagadian PNP ang suspek at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya. (Catherine Reyes)