Story text:
STANDING
TEAM W L
*CSB 8 0
UPHSD 7 1
MU 6 2
LPU 6 3
AU 4 3
CSJL 4 4
SSC-R 2 6
EAC 1 7
SBU 1 7
JRU 0 7
*swak na sa semis
Mga laro ngayon
(San Andres Sports Center)
12 nn – AU vs CSJL
2 pm – SSC-R vs SBU
Nagliyab si Risa Rose para akbayan ang Jose Rizal Lady Bombers na irampa ang Emilio Aguinaldo Lady Generals, 25-19, 21-25, 17-25, 25-19, 15-4, sa 98th NCAA Season women’s volleyball tourney elims Biyernes ng hapon sa San Andres Sports Center.
Rumatsada si Rose ng team-high 22 points mula sa 17 attacks at 5 service aces, sa paglista ng JRU ng unang panalo sa walong laro para hilain ang EAC sa gayang marka nila.
Sinapawan ng panalo ng Kalentong-based squad ang pasabog ni Krizzia Reyes na kumana ng 30 markers.
Haharapin ng JRU ang Saint Benilde Lady Blazers sa Linggo sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa yugto ito. (Elech Dawa)