WebClick Tracer

SPORTS

Rondae Hollis-Jefferson, TNT sinenglot Barangay Ginebra

Quarterfinals Game 1 sa Linggo (Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm – Converge vs SMB

6:45 pm – Ginebra vs NLEXa

Tinapos ng TNT sa nakakangilong 30-7 run ang final 10 minutes ng huling laro ng PBA Governors Cup eliminations para nakawan ng panalo ang Ginebra 114-105 Biyernes ng gabi sa PhilSports Arena.

Kumpleto na ang pairing sa last 8: No. 1 Tropang Giga (10-1) vs. No. 8 Phoenix (4-7), No. 2 SMB (9-2) vs. No. 7 Converge (6-5), No. 3 Gins (8-3) vs. No. 6 NLEX (7-4), at No. 4 Meraclo (7-4) vs. No. 5 Magnolia (7-4).

Twice-to-beat ang 1-4 laban sa lower half, umpisa bukas, March 19, ang quarterfinals sa Smart Araneta Coliseum.

Limang Beermen ang umiskor ng 20 pataas sa pangunguna ng tig-23 nina Mo Tautuaa at Vic Manuel para itumba ang Rain or Shine 129-116.

Buong first 36 minutes na nasa unahan ang Gin Kings, mukhang seselyuhan na ang top spot nang dumistansiya 98-84 may 10 1/2 minutes pa sa fourth quarter.

Pero ikinalat ni Calvin Oftana sa final period ang 10 sa kanyang 12 points, may 10 din sa period si RR Pogoy tungo sa 22 sa finishing kick ng Tropa.

Humarabas ng 34 points, 11 rebounds si Rondae Hollis-Jefferson, may 25 points si Mikey Williams mula limang tres sa TNT.

Kinapos ang 27 points ni Justin Brownlee at tig-19 nina Scottie Thompson at Christian Standhardinger na may 13 rebounds pa sa Gins.

Mga iskor

Unang laro

San Miguel 129 – Manuel 23, Tautuaa 23, Lassiter 20, Clark 20, Perez 20, Cruz 12, Bulanadi 5, Herndon 3, Enciso 2, Faundo 1, Brodnial 0, Canete 0, Ross 0.

Rain or Shine 116 – Mamuyac 23, Borboran 15, Belga 12, Torres 12, Demusis 12, Namabatac 9, Asistio 7, Nieto 7, Ildefonso 7, Nieto 7, Santillan 6, Yap 4, Caracut 2, Clarito 0, Ponferrada 0.

Quarters: 36-23, 62-56, 100-91, 129-116.

Pangalawang laro

TNT 114 – Hollis-Jefferson 34, M.Williams 25, Pogoy 22, Oftana 12, Castro 12, K.Williams 5, Chua 2, Ganuelas-Rosser 2, Montalbo 0, Varilla 0, Khobuntin 0.

Ginebra 105 – Brownlee 27, Standhardinger 19, Thompson 19, Malonzo 15, Pringle 10, Gray 5, Pessumal 3, David 3, Onwubere 2, Dillinger 2, Pinto 0, Mariano 0.

Quarters: 23-27, 47-56, 82-93, 114-105. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on