Umahon sina Guido Van Der Valk at Zanieboy Gialon sa pitong palong pagkalubog sa pares ng 66 samantalang pumalag din si Tony Lascuña sa 68 upang puwersahin ang apat na tablahan kay Francisco ‘Frankie’ Miñoza at itakda ang diktikang kapana-panabik na pagtatapos ng ICTSI Negros Occidental Golf Classic presented by MORE Power Biyernes ng hapon sa Bacolod.
May tsansa si Miñoza, 62, pumailanlang ng tatlo tapos ng 36 na butas sa mga kartadang 68-69, na lumayo pa sa mga karibal sa pagbirdie sa unang dalawang butas para sa malaking limang palong abante. Pero dehins niya nasustena sa nakakalitong Marapara layout nang makaapat na bogey, double bogey at isang biurdie na lang para mag-73.
Iyon ang naglagak kina Van Der Valk ng Netherlands, Gialon at Lascuña na akbayan si Miñoza sa 210 habang humihinga sa batok nila ang mga naka-71 para sa 212 na sina Jay Bayron at Rupert Zaragosa sa torneong inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.
“You really have to play extra cautious here because it’s tough, especially with the wind,” sey ni Miñoza sa rambulan sa titulo at P405K sa kompetisyong itinataguyod ng International Container Terminal, Services, Inc. (Ramil Cruz)