Noon pa man ay may clamor na pagsamahin ang dalawang aktres na ito sa pelikula.
Magaling namang pareho sila at hindi na rin mabibilang ang awards.
Kung magsasama nga naman sila ay maituturing na casting coup at masasabing pambihirang pagkakataon na talagang aabangan ng mga kafaneyan.
May offer na noon na magkasama sila sa isang proyekto.
Pero sa kung anong kadahilanan ay hindi ito mag-materialize.
Sa pralala kasi noon ni Aktres A, gusto raw niya talagang maka-work si Aktres B.
Naghihintay lang daw ito ng tamang proyekto.
Si Aktres B naman ay ayaw seryosohin ang pa-echos ni Aktres A.
Kaya naman, ayon sa kibitzers, nagpa-plastikan lang ang dalawa.
Kamakailan ay ilang kafaneyan ay binuhay na muli ang tungkol sa isyu ng pakikipagtrabaho nila sa isa’t-isa.
Katunayan, may isang movie produ rin ang muling binuhay ang offer na magkasama sila sa isang proyekto pero dedma lang daw talaga si Aktres B.
May mga tsika kasi noong nakarating kay Aktres B na sinabi raw diumano ni Aktres A na hindi niya kailangan ng huli ang una para sumikat.
Ang siste, nasaktan daw ang ego ni aktres B kaya para makaganti ay isinumpa raw nito kahit ano ang mangyari ay hindi siya gustong makatrabaho sa isang proyekto si Aktres A.
Sino si Aktres B na hanggang ngayon ay poot na poot kay A? (Archie Liao)