WebClick Tracer

SPORTS

Aiza Maizo-Pontillas inakbayan Petro Gazz

Semis Game 2 sa Martes: (Mall of Asia Arena)
4:00pm — PLDT vs Petro Gazz
6:30pm — Creamline vs F2 Logistics
(**Angels, Cool Smashers angat, 1-0)

Ipinagpatuloy ni Aiza Maizo Pontillas ang matinding paglalaro matapos nitong itulak ang Petro Gazz Angels sa 22-25, 25-19, 25-21, 25-18 panalo kontra sa PLDT High Speed Hitters upang lumapit sa una nitong All-Filipino finals appearance sa ikalawang laro sa semifinals ng Premier Volleyball League na ginanap sa PhilSports Arena kagabi.

Nagtala si Maizo-Pontillas ng kabuuang 12 puntos mula sa 11 attacks at 1 block na dinagdagan nito ng 7 excellent digs upang makamit ang krusyal na panalo sa matira-matibay na semifinals.

“Nagamamdali kami noong una. Sinabihan ko lang sila na one at a time, kunin ang composure at momentum ng bawat isa,” sabi ni Pontillas.

Umahon ang Angels sa unang set na pagkakaiwan bago kinuha ang sumunod na tatlo para mangailangan na lamang ng isa pang panalo upang okupahin ang silya nito sa kampeonato sa prestihiyosong komperensiya ng liga na All-Filipino.

Tumulong si MJ Philips ng 15 puntos para sa Angels.

Samantala’y unang lumapit ang Creamline Cool Smashers sa ikalimang sunod na All-Filipino finals appearance matapos talunin ang F2 Logistics sa loob ng apat na set, 3-1, sa mga iskor na 26-24, 25-18, 22-25, 25-15 sa sariling Game 1 ng semis sa first game.

Umabot ang blockbuster na laban sa harap ng 6,471 fans at siniguro ng Cool Smashers na hindi sila mabibigo.

“Siyempre, happy kami kasi it’s [the] semifinals na eh. So, timing iyung pagkapanalo namin,” sabi ni Creamline head coach Sherwin Meneses. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on