Sikat na ang actor na ito na produkto ng isang male pageant search.
Katunayan, maraming mga girlash at mga beki ang palong-palo sa kanyang charm lalo na nang makatambal niya ang isang young actress.
In fairness, mabait naman at approachable sa kanyang fans ang actor na ito.
Mahilig ding magpasilip ng kanyang kahubdan ang male celebrity na ito.
Nang minsang pumunta nga siya sa isang mall show, kinuyog talaga siya dahil di magkandaugaga ang kafaneyan na nahuhumaling sa kanyang kaguwapuhan.
Feeling tuloy ng actor ganoon na kalakas ang kanyang hatak at karisma sa mga tao.
Maging sa socmed, madalas din kasi siyang napag-uusapan.
Nagkaroon ng launching movie si actor at nabigyan siya ng pagkakataong makapagbida sa isang pelikula.
Sa opening ng kanyang film, sobrang excited si actor sa magiging reception ng mga tao sa kanyang pinagbibidahan.
Come opening day, pumunta sa isang mall si actor para pulsuhan sa box office ang kanyang pelikula.
Naisip na rin niya na magkaroon ng meet-and-greet para sa kanyang mga tagahanga na manonood ng kanyang movie.
Ang kaso, nawindang si actor dahil pagpunta niya sa pinakamalapit na sinehan ay hindi magandang balita ang sumalubong sa kanya.
Nakansela kasi ang screening ng kanyang movie dahil walang nanonood.
May mga tsika ngang agad na na-pull out sa takilya ang kanyang movie.
Sinech ang actor na ito?