Mga comment na “Ang ganda pala niya” ng fans na nakapasok sa mediacon ng Viva Films movie at entry sa first Summer Metro Manila Film Festival na “Yung Libro Sa Napanood Ko” ang narinig namin.
Nabasa naman namin sa Instagram ang mga comment na “young writer and director,” “pang-international talaga,” “eto na naman ‘yung galit sa ending.” May nag-comment pa ng “mapanakit na naman ituuu,” at “ang galeng galeng mo talaga.”
Maraming nag-congratulate kay Bela na mga kaibigan niya sa showbiz.
Kabilang dito si Angelica Panganiban na “grabi” ang nasabi. Sey naman ni Jericho Rosales, “Congratulations!!! At may title ka na! Isa ka ng baraha! See you sa sinehan!” Hindi rin nagpatalo ang comment ni Megan Young na “So excited for this.”
Dahil sa mga pelikulang pinagbibidahan ni Bela, kasama itong pinagbidahan at dinerehe niyang “Yung Libro Sa Napanood Ko,” tinawag siyang Philippine Cinema’s Queeb of Hearts” na romcom ang genre.
Kaya nasabi nito sa mediacon na gusto naman niyang sumubok na gumawa ng retrospective film.
Saka, hindi lang actress at director si Bela sa “Yung Libro Sa Napanood Ko” dahil co-producer din siya ng Viva Films.
Sa kuwento ni Bela, ang Viva Films ang nag-decide na sa halip na ang original title na “If” ang gamiting title ng movie, pinalitan ito ng “Yung Libro Sa Napanood Ko” na mas mas impact.
“Nagtitiwala ako sa gut feel ni Boss Vic (del Rosario) at may gut feel siya sa title. Siya ang nag-suggest ng title at sumunod ako sa kanya,” ayon kay Bela.
May mga eksena sa pelikula na magugustuhan ng viewers, isa na ang takbo ng takbo sina Lisa (Bela) at Kim Gun Hoo (Yoo Min-gon) at hihintayin mo talaga kung paano sila magkikita.
May pasabog ang pelikula dahil may kissing scene sina Bela at Yoo Min-gon. “Lovely” ang description ni Yoo Min-goon sa halikan nila ni Bea, samantalang, tumawa lang ang aktres.
Patapos na ang mediacon nang matanong si Bela tungkol sa kinasangkutang kontrobersya na nagsimula sa Tweet ng isang netizen. Tinawag ng kung ano-ano si Bela at kinailangan niyang sumagot kahit hindi siya na-tag na ginawang isyu ng netizens. Bakit daw siya nag-react, hindi naman siya na-tag?
“Be careful! Laganap ang flagshipping ngayon at sana, hindi mag-spread. I’m happy nag-apologize siya and I’m okay with that,” ani Bela.