WebClick Tracer

NEWS

CIDG matibay ebidensya vs Teves sa Degamo slay – PNP

Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) kahapon na matibay ang mga ebidensya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at iba pang kinasuhan kaugnay ng pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at sa tatlong iba pang murder cases noong 2019.

“We are just waiting for the resolution on this case pero naninindigan po ang CIDG the may hawak silang matibay na ebidensya para patunayan ang pagkakasangkot ng mga nasabing akusado,” ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa media briefing nitong Sabado.

Sinabi ito ni Fajardo matapos na ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang isa mula sa walong kaso na isinampa laban kay Teves.

Ayon kay Fajardo, nirerespeto ng CDIG ang desisyon ng DOJ sa kasong illegal possession of firearms and explosives laban kay Teves bagama’t hindi pa umano natatanggap ng PNP ang resolusyon ng kagawaran kung bakit binasura ang naturang kaso.

“The CIDG have yet formally receive the copy of the resolution but if its true we respect the findings and disposition of the DOJ on this particular case or complain, this only goes to show the government is here to prosecute and not to persecute, pero nililinaw po namin na isa lamang po ito sa maraming kaso na isinampa ng PNP laban kay Congressman Teves Jr., para sa kaalaman ng publiko may lima na pong kaso na naisampa ang ating mga prosecutor sa korte at may apat na ring akusado na nasa kustodiya ng PNP, ang iba pang kaso kasama si Congressman Teves bilang akusado ay isasailalim sa preliminary investigation ng DOJ,” pahayag ni Fajardo sa press briefing.

Sinabi rin ni Fajardo na maging ang Special Investigation Task Group na may hawak ng main case partikular sa pagpatay kay Governor Degamo at iba pa ay marami na silang hawak na ebidensya at kumpiyansa sila na sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng major development dito. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on