WebClick Tracer

METRO

Dalagita nalitson sa Parañaque fire

Nalitson ng buhay ang 12-anyos na babae habang dalawa ang sugatan at dalawa naman ang nahirapang huminga nang matupok ang residential area sa Barangay Sto..Niño, Paranaque City, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Bureau of fire protection, nagsimula ang sunog bandang apas-2:00 ng hapon sa 8410 Gomburza Extension, Brgy Sto. Nino, ng nasabing lungsod.

Tumagal ang sunog ng higit sa tatlong oras matapos ideklarang fire-out.

Batay sa ulat ng BFP, aabot sa 50 kabahayan na pawang gawa sa light materials ang nilamon ng apoy na nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng nasa 100 pamilya. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on