WebClick Tracer

NEWS

Guevarra binara ICC sa inaapurang drug war probe

Inupakan ni Solicitor General Menardo Guevara ang International Criminal Court (ICC) dahil sa minamadali umano ang Pilipinas na imbestigahan ang mga patayan kaugnay sa giyera kontra droga ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang nangyayari kasi masyado tayong inaapura. Masyado tayong minamadali ng ICC. Ang gusto nila ay napakarami na agad na cases na napa-file sa court for trial. Hindi naman ganun `yung proseso natin `di ba?” giit ni Guevarra sa panayam ng programang `The Chefs’ kamakailan.

Ipinaliwanag ni Guevarra na dumadaan sa ilang proseso ang pag-iimbestiga sa mga sinasabing patayan na naganap kaugnay sa giyera kontra droga at kabilang na rito ang paghahanap ng mga ebidensya para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa krimen.

Ayon kay Guevarra, nais ng ICC pre-trial chamber na magkaroon ng detalyadong report ngunit magagawa lamang ito kapag naisampa na ang mga kaso laban sa mga partikular na indibidwal.

“Darating din tayo dyan sa mga hinihintay n`yo, sa mga hinahanap n`yo. Pero huwag n`yo kaming apurahin. Do not put the horse, I mean the cart before the horse. Meron kaming sariling processes and we have to follow that,” sabi pa ni Guevarra sa ICC.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on