WebClick Tracer

SPORTS

San Sebastian hindi pinaporma San Beda

WINALIS ng San Sebastian College Lady Stags sa tatlong set ang San Beda University Lady Red Spikers, 25-18, 25-21, 25-20, sa second game ng 98th NCAA women’s volleyball tourney eliminations sa San Andres Sports Center kahapon.

Kahit parehong wala nang pag-asa sa susunod na stage ay ipinakita pa rin ng Lady Stags ang kanilang tikas upang tapusin ang kanilang kampanya sa 3-6 karta.

Nalasap naman ng Lady Red Spikers ang pangwalong talo sa siyam na laro.

Samantala, nanaig naman ang Letran Lady Knights sa Arellano University, 21-25, 25-16, 21-25, 25-20, 15-10 sa unang laro. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on