WebClick Tracer

NEWS

Teves, iba pang suspek kay Degamo ikakarga sa Interpol watch

Plano ng Department of Justice (DOJ) na ilagay sa international lookout bulletin ang mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, kabilang na rin si Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr. sa mga ikinukonsidera na nasa likod ng pagpaslang sa gobernador.

“So all those that are in relation to the Degamo slay, we have taken concrete steps na maglabas po ng international lookout bulletin, pinag-usapan po natin ang paglagay ng mga tao sa blue list, sa Interpol ‘no – Blue Notice,” pahayag ni Clavano sa isang media briefing sa Quezon City.

Sa ganitong paraan umano mamo-monitor ng mga awtoridad ang galaw ng mga hinihinalang sangkot sa pagpaslang kay Degamo.

“Although dahil po ilalagay na sila sa international lookout bulletin, mayroon po tayong records kung saan sila pumunta, anong petsa po sila umalis – iyon po `yung mga relevant data na makukuha natin dahil ilalagay po natin sila sa lookout bulletin,” ani Clavano.

Samantala, kaugnay kay Teves na hindi pa bumabalik sa bansa, sinabi ni Clavano na gagamitin muna nila lahat ng paraan bago pag-isipan na hilingin ang deportasyon ng kongresista.

“As of right now, siguro, nananawagan is Speaker Romualdez and Sec. Remulla na umuwi na lang siya on his own volition,” dagdag ni Clavano.

Si Teves at anim na iba pa ay sinampahan ng kasong kriminal sa serye nang isinagawang pagsalakay sa mga sinasabing bahay nito kung saan nakasamsam ng mga armas. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on