WebClick Tracer

NEWS

Transport group nalabuan sa bawas-pasahe ng LTFRB

Nanawagan ang isang grupo ng mga tsuper sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na busisiin muna ng mabuti at linawin ng ahensya ang mga bagong patakaran nito kaugnay sa pagpapatupad ng bawas-pasahe sa traditional at modern jeepney gayundin sa mga bus.

Ayon kay Manibela national president Mar Valbuena, nagkakaroon ng kalituhan sa panig ng mga tsuper at biyahero ang inanunsyong bawas-pasahe ng LTFRB dahil hindi naging malinaw kung paanong ipapatupad ito.

Sinabi ni Valbuena sa panayam ng Teleradyo nitong Sabado na nag-aalala ang ilang tsuper na ibaba ang pasahe dahil wala silang matatanggap na subsidiya maliban sa mga miyembro na ng kooperatiba.

“So may tumatakbong may diskwento, may tumatakbo na walang diskwento. Kawawa naman po `yung `di makaka-avail, wala na pong sasakay dito,” wika ni Valbuena.

Una nang inanunsyo ng LTFRB na magpapatupad ng diskwento sa pasahe para sa ilang piling ruta sa National Capital Region.

Ibabalik umano sa P9 ang minimum na pasahero sa mga traditional jeepney habang P11 sa modernong jeepney at aabot naman sa P3 hanggang P4 ang bawas-pasahe sa mga bus.

Ngunit nilinaw naman ng ahensya nitong Biyernes na wala pa silang takdang petsa kung kailan aarangkada ang diskwento sa pasahe dahil naghihintay pa sila na makuha ang P1.2 bilyong pondo para dito.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on