WebClick Tracer

SPORTS

Vic Manuel, San Miguel sasandalan depensa

Quarterfinals game ngayong Linggo: (Smart Araneta Coliseum)
4:30pm – ** SMB vs Converge
6:45pm – ** Ginebra vs NLEX
(** may twice-to-beat advantage)

PLAKADO ng No. 2 San Miguel Beer ang dapat gawin kontra No. 7 Converge sa PBA Governors Cup quarterfinals umpisa ngayong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

“Ang talagang nagiging problema namin, sa depensa. Kasi sa opensa hindi naman kami nagkaka-problema,” giit ni Vic Manuel. “‘Yun talaga ang bibigyan namin ng time pagdating sa praktis.”

Tumabo ng tig-23 points sina Manuel at Mo Tautuaa para pangunahan ang limang Beermen na naglista ng 20 pataas sa 129-116 win sa Rain or Shine noong Biyernes.

Tinalo ng FiberXers ang SMB 107-103 sa lone meeting sa elims noong Feb. 11, nasa team ni coach Jorge Gallent pa si June Mar Fajardo. Out ang six-time MVP dahil sa knee injury.

Bagong mukha ang ipaparadang import ng Converge kay Tom Vodanovich, pinalit kay Jamaal Franklin na nagtampo kay coach Aldin Ayo.

Miyembro ng New Zealand national team si Vodanovich, 28, inilarawan ng scouts bilang ‘solid, all-around player’ na naglaro din sa US NCAA at Australia. Bilang miyembro ng Tall Blacks, nagliyab si Vodanovich ng 20 points sa 88-63 win kontra Gilas noong Feb. 2022 sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Big Dome. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on