Sa gitna ng katakot-takot na bashings ngayon sa relasyon nina James Reid at Issa Pressman ay naglabas ng cryptic post ang nakatatandang kapatid ng huli na si Yassi Pressman.
Sa kanyang Twitter page, bagama’t walang partikular na tao na tinutukoy si Yassi ay mai-assume na pagtatanggol ito para sa kanyang younger sister.
“Just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people. lets stop being only opinionated, but try harder to be educated with facts. ‘cause if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud samesame,” tweet ni Yassi with hashtag “think before you click.”
Maging ang mga netizen ay kumbinsido na ang pangba-bash kay Issa ang gustong ipunto ni Yassi kaya nakatanggap din ang aktres ng mga hate comments at tinawag din siyang “ahas.”
“I DON’T HATE YOU YASSI BUT PEOPLE OR RATHER FANS OF NADINE LUSTRE IS ONLY EXPOSING THE FACT THAT YOUR SISTER ISSA WAS TRULY BEEN CAUGHT IN A LOT OF FOOTAGE VIDEO WITH REID AND THAT MAKES PEOPLE THROWING ACCUSATION TO YOUR SISTER ,MAY RESIBO EH ANO MAGAGAWA? BUKING!” komento ng isang netizen.
“Beh, kahit anong talak mo mali pa rin na jowain ng kapatid mo si James, magkaibigan kayo ‘noon’ kayong dalawa ng kapatid mo kaibigan ‘noon’ si Nadine. Mali ‘yon. Girl code teh. L,” reaksyon naman ng isa pang Twitter user.
“Try to be educated beh, pag alam mong/nyong ex na ng friend nyo iwasan nyo hindi yong sshotain,” sabi naman ng isa pa.
Grabe rin ang galit ng iba pang netizens to the point na minura-mura na siya at tinatawag ng hindi magagandang salita.
Mukhang hindi rin nakatulong ang nilabas na statement ni James na pagtatanggol din kay Issa and in a way ay pag-amin na rin sa relasyon nila dahil mas lalo pang nagalit ang mga fan,especially JaDines.
Needless to say, hindi naniniwala ang fans sa sinabi ni James na hindi totoo ang tsismis sa kanila ni Issa noon at pinaratangan nilang cheater ang aktor.
Isang netizen naman ang nag-comment na bongga raw si James dahil tinalbugan niya ngayon ang alagang si Liza Soberano sa pagiging kontrobersyal.