WebClick Tracer

NEWS

Biyuda ni Degamo umapela: Teves sipain sa Kongreso

Nanawagan ang biyuda ni Negros Oriental Governor Roel Degamo sa mga miyembro ng Kamara na suportahan ang kanyang petisyon para masibak sa puwesto si Congressman Arnolfo Teves Jr.

Sa isang panayam sa radyo, isiniwalat ni Pamplona Mayor Janice Degamo, may-bahay ng pinaslang na gobernador, na mayroon siyang petisyon na pinirmahan na nananawagan sa Kamara para patalsikin si Teves.

“I have signed already a petition na to expel him from Congress,” sabi ni Degamo sa panayam ng dzBB nitong Linggo.

“Someone representing a group of people in a congressional district must be someone who has every ano….parang tinitingnan naman niya kung karapat-dapat ba siyang magsilbi,” ayon sa alkalde.

Hiling pa nito na suportahan din sana ng Kongreso ang kanyang kahilingan para patalsikin na bilang mambabatas si Teves.

Pinuri naman ni Degamo ang Kamara sa panawagan nito kay Teves na umuwi at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

“I would like also to commend members of the congress for having the pano ba `yan sabihin… having the…. balls so to speak to really call out Arnie to come home and face the problems na siya ang dahilan,” sabi ng alkalde.

Nanawagan din si Degamo sa Senado at Kamara na ituloy ang imbestigasyon kaugnay ng mga karahasan sa kanilang probinsya.

Hiling pa ng alkalde na ipatawag ng Kongreso ang mga naging biktima ng karahasan dahil kapag humarap umano ang mga ito sa imbestigasyon ay posibleng lumantad na rin ang iba pang nabiktima.

Kapag nangyari umano ito ay lalabas na rin ang katotohanan sa mga nangyayari sa kanilang probinsya.

Nadawit si Teves sa pagpatay sa gobernador ngunit hindi pa ito umuuwi kahit expired na ang kanyang travel authority sa halip ay humirit na palawigin pa ang bakasyon niya. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on