WebClick Tracer

NEWS

Enrile: Diskarteng bilyonaryo mga delegado sa Con-Con

Magastos at aabutin ng bilyon-bilyong piso kung ilalarga ang Constitutional Convention (Con-Con) bilang paraan upang amyendahan ang Saligang Batas.

Ito ang pananaw ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa harap ng pag-usad ng charter change sa Kamara.

Sa kanyang lingguhang programa sa telebisyon, sinabi ni Enrile na mas makakatipid ang gobyerno kung idadaan sa Constituent Assembly ang Cha-cha.

Kung igigiit ng mga mambabatas ang Con-Con, bilyon-bilyong piso aniya ang gagastusin ng gobyerno dahil kailangang bigyan ng opisina ang mga delegado.

“Bakit gusto ng Kongreso ang Con-Con? Naku, bilyon-bilyon na naman `yan,” ani Enrile.

Bukod sa opisina, bibigyan din aniya ang mga delegado ng kotse, laptop, mga staff at session hall para sa mga gagawing talakayan.

Sinabi ni Enrile na hindi makokontrol ang biyahe ng mga delegado dahil pag-aaralan ng mga ito ang gagawing pagbabago sa 1987 Constitution.

Iginiit ni Enrile na mas mainam ang constituent assembly para pag-aralan ang mga political provision na gustong amyendahan.

Maaari aniyang pagbasehan ang ginawa ng Constitutional Commission sa 1973 Constitution at alisin na lamang ang mga probisyon na gustong alisin.

“`Yung political provisions puwedeng Con-Ass sapagkat nandiyan `yung 1973 Constitution na ginawa ng Constitutional Commission, all you have to do is remove some of the provisions that you want to remove and you have a ready-made, well-discussed and well-prepared, well-studied and well-deliberated Constitutional provision that was already used in the Philippines,” paliwanag pa ni Enrile. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on