STANDING
TEAM W L
*CSB 9 0
*UPHSD 8 1
*MU 6 3
LPU 6 3
CSJL 5 4
AU 4 4
SSC-R 3 6
EAC 1 7
SBU 1 8
JRU 1 8
Paspasang pinagulong ng Saint Benilde Lady Blazers ang Jose Rizal Lady Bombers, 25-10, 25-21, 25-13 upang kumpletuhin ang elimination sweep at masungkit ang outright finals slot ng 98th NCAA women’s volleyball tourney elims Linggo ng hapon sa San Andres Sports Center.
Tumikada si Jhasmin Gayle Pascual ng 16 points, galing lahat sa attacks upang ilista ang 9-0 karta para sa Taft-based squad.
Mag-aabang na lang ang CSB ng makakalaban sa finals.
Para sa Lady Bombers,nalasap nila ang pang walong talo sa siyam na laro. Namuno sa opensa ng Mandaluyong-based team si Sydney Mae Niegos na umiskor ng 10. (Elech Dawa)