Mga laro sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – Phoenix vs TNT
5:45 pm – Magnolia vs Meralco
Hindi na inaksaya ng San Miguel Beer at Ginebra ang twice-to-beat advantage, dinaan sa isang bigwasan lang ang mga nakatapat para bumiyahe sa semifinals ng PBA Governors Cup.
Sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi, unang pinagbakasyon ng Beermen ang Converge 121-105 sa first game.
Sinundan ito ng dambuhalang 127-93 win ng No. 3 Gin Kings laban sa import-less NLEX sa second game.
Injured si Wayne Selden sa huling laro ng Road Warriors kontra Beermen.
“It’s really, really bad luck (for NLEX). We didn’t know until literally after the warmups … coming out of the locker room, that the import was injured and won’t gonna play,” ani coach Tim Cone. “Obviously the game would be a lot, lot different with Selden there.”
Tumabo si Justin Brownlee ng all-around game na 31 points, 13 rebounds, 6 assists at 4 steals para sa crowd favorites.
Anim na players pa ng Ginebra, dumistansiya hanggang 38, ang nagsumite ng double figures sa pangunguna ng tig-20 nina Jamie Malonzo at Christian Standhardinger. May 20 markers, 10 boards si Jonathan Grey.
Pinangunahan ng 16 points ni Sean Anthony at 15 ni Kevin Alas ang Road Warriors.
Kasado ang tapatan ng SMB at Gins sa best-of-five semis.
Pinangunahan ni Cameron Clark ang atake ng Beer sa third quarter bago tumapos ng 40 points, 13 rebounds.
May double-double pang 26-12 si CJ Perez, perpektong 9 of 9 sa field si Vic Manuel tungo sa 20 markers para sa No. 2-ranked San Miguel.
Mga iskor
Unang laro
San Miguel 121 – Clark 40, Perez 26, Manuel 20, Cruz 12, Tautuaa 8, Lassiter 7, Enciso 6, Ross 2, Brondial 0, Bulanadi 0.
Converge 105 – Vodanovich 39, Ahanmisi 18, Arana 14, Stockton 12, Melecio 11, Teng 7, Balanza 4, Murrell 0, Tratter 0, Ebona 0, Tolomia 0, Racal 0.
Quarters: 34-27, 57-58, 94-82, 121-105.
Pangalawang laro
Ginebra 127 – Brownlee 31, Standhardinger 20, Malonzo 20, Gray 15, Pessumal 12, Thompson 10, Mariano 10, Pringle 5, Pinto 4, Onwubere 0, R. Aguilar 0, David 0.
NLEX 93 – Anthony 16, Alas 15, Trollano 14, Ganuelas-Rosser 14, Rosales 11, Semerad 10, Miranda 7, Doliguez 4, Nieto 2, Pascual 0, Gabo 0.
Quarters: 18-17, 56-36, 93-62, 127-93. (Vladi Eduarte)