WebClick Tracer

NEWS

Malacañang binida 500 Kadiwa store na binuksan

Mahigit 500 Kadiwa outlet na ang binuksan sa iba’t ibang lugar sa bansa na layuning madagdagan ang kita ng mga magsasaka, mangingisda at mga micro, small and medium enterprise (MSME), ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sinabi ni PCO Secretary Cheloy Garafil na sa pamamagitan ng mga Kadiwa store ay hindi na kailangan pang dumaan sa `middlemen’ ang mga produkto.

Samantala, inihayag din ng PCO na patok agad ang unang Kadiwa ng Pangulo na binuksan sa Bicol region matapos na makapagtala ng P1.2 milyong kita sa loob lamang ng dalawang araw.

Binuksan ang Kadiwa ng Pangulo sa Pili, Camarines Sur kasabay noong Marso 16, 2023. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on