WebClick Tracer

NEWS

Sinungaling sa Kamara kalaboso – Romualdez

Kulungan ang naghihintay sa sino man na magsisinungaling sa mga pagdinig ng Kamara.

Ito ang babala ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ilang araw bago ang muling pagdinig ng House committee on agriculture and food sa isyu ng pagtaas ng presyo ng sibuyas.

“I cannot stress enough for these resource persons the importance of cooperating with the committee: lie to lawmakers and you will all find yourselves in jail,” sabi ni Romualdez.

Nauna rito ay ipinakulong ng komite ang tatlong opisyal ng Argo International Forwarders Inc. dahil hindi agad ibinigay ang mga dokumento na hinihingi sa kanila ng mga mambabatas.

Ayon kay Romualdez, walang makakaligtas sa kanila kahit na ang mga nasa gobyerno.

Hinihimay ng komite ang mga nangyari upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pag-ipit sa supply ng sibuyas na naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito na umabot pa sa P700 per kilo. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on