WebClick Tracer

SPORTS

Vanie Gandler, Blue Eagles kinahig Fighting Maroons

STANDING
TEAM W L
DLSU 6 0
NU 5 1
UST 5 2
AdU 4 2
FEU 3 4
AdMU 2 5
UP 1 5
UE 0 7

Mga laro sa Miyerkoles (SM MOA Arena)
12 nn – AdU vs UP
2 pm – NU vs DLSU

NILADLAD ni Vanessa ‘Vanie’ Gandler ang hinahanap sa kanyang liderato nang tukain ng Ateneo Blue Eagles ang UP Fighting Maroons, 25-1, 25-20, 25-22, sa 85th UAAP women’s volleyball tourney elims Lingo ng hapon sa Filoil Ecooil Center.

Kumayod Gandler ng 17 points mula sa 12 attacks at tig-2 blocks, aces upang pamunuan ang AdMU na takas ang apat na sunod na kamalasan at umakyat sa pang-anim sa 2-5 won-lost kartada.

“It was a tough first round for us,” bulalas ni Gandler. “We are really struggling and this win is a good boost for us going into the next round.”

Sumukli sa kanya si Faith Janine Nisperos ng 14 puntos habang umiskor ng pito si AC Miner para isalya ang State U sa pampito sa 1-5 rekord.

Nagkumplutan naman sina Angel Ann Canino, Marionne Angelique Alba at Thea Allison Gagate nang kalmutin ng La Salle Lady Spikers (6-0) ang Adamson Lady Falcons (4-2), 22-25, 25-14, 25-16, 25-19. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on