WebClick Tracer

METRO

Vendor kinalawit sa tinulak na P5M shabu

Tinatayang higit P5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang vendor matapos na kumagat ito sa buy-bust operation na ikinasa sa Sta. Rosa City, Laguna nitong Sabado ng gabi.

Naaresto sa operasyon ang suspek na si Joemar Demandante, 40-anyos, isang vendor at residente ng Almanza Uno, Las Piñas.

Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office, nagsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib na mga operatiba ng Sta. Rosa City Police Station at PDEA sa harap ng isang subdibisyon sa Sta. Rosa-Tagaytay Road sa Barangay Sto. Domingo, dakong alas-7:15 ng gabi.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 750 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P5,175,000.

Nahaharap ngayon si Demandante sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on