Ang mga bida sa tsikang ito ay dalawang kontrobersyal na aktres.
Na-link kasi si actress B sa asawa ni actress A.
Maugong ang balita noon na tinukso raw ni actress B ang mister ni actress A.
Nabalita pang nagkatikiman umano ang esposo ni actress A at ang diumanoý nang-ahas na actress.
Katunayan, muntik na noong mauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng showbiz couple dahil kay actress.
Idinenay naman ni actress B noon na nagkaroon sila ng fling ng mister ni actress A.
Kaso, hindi pala roon nagtatapos ang kanilang naging engkuwentro.
Sa isang event, nagkita raw sina actress A at actress B.
Dahil sariwa pa sa alaala ni actress A ang ginawang paglalandi ni actress B sa kanyang mister, kinumpronta raw ng una ang huli.
Halos nagkagulo raw sa venue dahil muntik nang mauwi sa sampalan at sabunutan ang close encounters of the scandalous kind ng dalawa.
Mabuti na lang daw at may mga nagmagandang loob na umawat sa talakan ng dalawa.
Sa mga nakasaksi raw ng mala-eksena sa pelikulang confrontation ng dalawa, lulumain daw nito ang mga pang-teleseryeng drama tungkol sa asawa at kabit.
Sa ngayon, very cautious na raw si mister ni actress A na hindi na magbiglang-liko dahil nagbanta raw si misis na lalayasan ito.
Sinech ang aktres na ito? (Archie Liao)