STANDING
TEAM W L
Cignal* 10 0
Cotabato * 7 1
Iloilo* 7 3
Imus* 7 3
VNS 6 4
Navy 5 5
Santa Rosa 4 6
Army 3 7
Air Force 2 8
National U 1 9
Vanguard 1 9
* – swak sa semis
Mga laro sa Miyerkoles (Paco Arena)
3 pm – Iloilo vs Vanguard
5:30 pm – Air Force vs Cotabato
ISINALBA ni Marck Espejo ang Cignal sa isang set na olats sa para paamuin ang ang National University-Archipelago, 25-18, 25-17, 23-25, 25-22, tungo sa pagkumpleto sa elimination round sweep ng Spikers ‘ Turf Open Conference Linggo ng gabi sa Paco Arena.
Binalandra ni Espejo ang isang all-around game para sa HD Spikers sa pag-iskor ng game-high 16 points sa likod ng walong atake, at tig-apat na butata at alas. May 12 pa mahusay na pagtanggap nang makuha ng Cignal ang pang-10 panalo sa gayung dami ng laro.
Nagdagdag si Wendel Miguel ng 13 puntos habang nagtala sina Alfred Valbuena at team captain Ysay Marasigan ng 10 at siyam na marka, ayon sa pagkakasunod, para isalya ang Builders sa 1-9.
“Well, we accepted na talo talaga kami doon sa third set. Naging complacent kami run, pero hindi lang naman yun ang pinaka-goal namin,” sey ni Cignal coach Dexter Clamor.
Bumato naman si Jau Umandal ng 18 markers nang kaldagin ng AMC-Cotabato (9-1) ang Iloilo (7-3), 25-18, 25-22, 22-25, 25-22.
At nilunod ng PGJC-Navy (5-5) ang Volleyball Nevers Stops (6-4), 23-25, 32-34, 25-20, 25-22, 15-13, sa paliga ng Sports Vision. May mga live coverage ito sa One Sports, One Sports+, Cignal Play, Smart Live Stream at spikersturf.ph. (Lito Oredo)