Sino raw itong kongresista na nagpagawa ng footbridge pero hanggang ngayon ay hindi naman napapakinabangan ng mga pedestrian?
Kuwento ng source ni Mang Teban, higit dalawang taon na raw tapos ang footbridge ng mambabatas pero hindi pa rin nadadaanan ng mga tao.
Ginagawang tambayan na lang daw ng ibon at mga insekto ang tulay dahil sa tagal nitong nakatiwangwang.
Ang masaklap, ginastusan ito ng higit kumulang sa P15 milyon pero hindi naman mapakinabangan.
Nagdudulot din ito ng sagabal dahil kinain nito ang isang linya ng kalsada dahil hindi pumayag ang may-ari ng pribadong lote na tirikan ang kanyang property.
Kahit na raw pabuksan sa publiko ang footbridge, malamang na hindi rin ito gamitin ng mga tao dahil sa tirik na hagdan at mga sala-salabid na kawad ng cable.
Nagiging sampayan na lang daw ng tarpaulin ni congressman ang footbridge upang ibalita ang mga accomplishment daw nito sa kanilang lugar.
Clue: Ang pangalan ni congressman na nagpatayo ng footbridge pero hindi napakinabangan ng mga tao ay katunog ng sanglaan.