WebClick Tracer

OPINION

Kamote Riders: Hari ng bangketa!

Mukhang mananatili pa sa ngayon mga tropapips na “Hari ng Kalsada” ang mga pampasaherong jeepney. Habang ang mga kamote rider, namamayagpag naman bilang “Hari ng Bangketa” at ginagawang inutil ang mga awtoridad.

Pero bago tayo maasar sa mga kamote rider, may tropapips tayong nagtatanong kung inaprubahan daw ba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tila isang paraan ng “panghuhuthot” ng bangko sa kanilang mga depositor sa pamamagitan ng paniningil ng “fee” ng over the counter withdrawal sa hindi “branch” ng depositor pero pareho naman ang bangko?

Ibig sabihin, sa ibang branch lang nag-open ng account ang depositor. Pero dahil may nakita siyang branch na malapit na kailangan niyang magwi-withdraw ng over the counter, ayun, “tatagain” siya ng “fee” na P100.

Tanong ng tropapips natin, bakit kailangan pang maningil ng P100 ang bangko gayung nasa iisang lungsod lang naman ang branch kung saan siya nag-open siya ng account, at ang bangko na magwi-withdraw siya. Kung nasa probinsiya daw siguro ang branch niya, maiintindihan niya ang paniningil ng fee. At bakit daw ang mahal–P100.

Pangamba ng tropapips natin, baka raw sa susunod, pati ang pag-withdraw sa ATM na kahit parehong bangko pero sa ibang branch nakalagay ang machine eh maningil na rin ng fee. Pati ang pa-update ng passbook ng bank account eh maningil na rin ang bangko at sabihin na nasa ibang branch ang account ng depositor.

Dapat yatang kumilos ang BSP at silipin ng mga mambabatas ang sobrang paniningil na ito ng mga bangko. Hirit ng tropapips natin, singil nang singil ang mga bangko ng kung ano-anong fee pero ang interest rate sa deposit ng mga tao na pinagkakakitaan nila, ubod pa rin nang liit at walang pagbabago.

Punta na tayo sa taniman ng “kamote.”
Nagbunga ang tigil-pasada ng ilang tsuper dahil nag-menor sa arangkada ang programang “modernisasyon” daw ng jeep sa pamamagitan ng pagbili ng mga mini-bus. Kaya makakahinga pa nang maluwag ang mga “Hari ng Kalsada” hanggang sa Disyembre.

Pero ang talagang namamayagpag ngayon ay mga rider. May bago silang “race track” sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil ginawang “exclusive” sa kanilang ang isang linya doon. Kaya asahan ang mga rider na hahataw sa arangkada kapag maluwag ang kalsada at mag-uunahan ang mga ‘yan lalo na ang mga “kamote.”

Paalala lang, tinatawag ding “killer highway” ang Commonwealth. Pero bakit nga ba parang laging taeng-tae ang mga rider kapag nasa kalye? Kapag na-trapik, magka-counter flow ang mga ungas at ang mga motoristang kasalubong nila ang gusto nilang magbigay sa kanila.

O kaya naman, sasampa sa bangketa at ang mga taong naglalakad ang gusto nilang mag-adjust para sila makadaan. May mga kamote pa na saksakan ang kapal ng mukha na bumubusina pa! Habang ang mga traffic enforcer, mga mayor at barangay–nganga!

Sabi ng mga tropapips natin, imposible daw na hindi makita ng mga awtoridad ang mga lugar kung saang bangketa madalas sumampa ang mga kamote rider. Gaya raw sa Barangay Talipapa, Bagbag, Sauyo, San Bartolome, at Mindanao Avenue sa Quezon City.

May mga reklamo rin sa Pasig-Rosario Road, maging sa Caloocan, sa Paranaque, sa Valenzuela, sa Maynila na patungong Binondo, at kahit saan naman yata. Kung walang ginagawa ang mga lokal na opisyal, baka kailangan na ang werpa ni MMDA Traffic Chairman Bong Nebrija.

Ano nga ang silbi ng batas na bawal ang mga kamote rider sa bangketa at puwede silang pagmultahin ng hanggang P2,000? Hindi ba nakikita LGUs na malaking takits ang manghuli ng mga kamote.

Alam naman ng mga kamote rider na bawal sila sa bangketa. Ang tanong, bakit pa rin nila ginawa? Ang sagot, walang humuhuli sa kanila. Aba’y ‘wag na sanang hintayin ng mga awtoridad na may pedestrian at kamote rider na magpatayan dahil sa bangketa bago sila kumilos. Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on