Guwapo ang matinee idol na ito.
Katunayan, tinitilian siya ng kafaneyan noong kanyang kasikatan.
Pinagpapantasyahan din siya ng mga kababaihan at mga kabadingan.
Katunayan, masasabing isa siya sa mga guwapong actor sa kanyang mga kapanabayan.
Pero, may lihim daw si matinee idol na ikina-turn of ng kanyang fan.
May kakaibang amoy raw si matinee idol na nabisto ng kanyang faney.
Sa isang out-of-town show, lumapit daw ang isang fan para magpa-picture sa kanyang idolo.
Todo akbay pa raw ito para magpa-selfie.
Napangiwi raw si fan dahil sa halip na mapa-smile ay nadismaya dahil sa nasasagap niyang masamang hangin.
Ang siste pa, muntik na raw himatayin si faney nang malanghap ang amoy ni matinee idol.
May body odor daw pala si pogi at amoy panis ang pawis nito.
Hirit pa ng faney, para raw ilang araw na hindi naligo si pogi.
Ayon naman sa ilang source, tamad daw talagang maligo si matinee idol.
Katunayan, may amoy raw talaga ito.
Dagdag pa riyan, bukod sa bad odor ay may bad breath din ito.
Sino ang matinee idol na ito? (Archie Liao)