Sa kanyang Instagram stories, nagbahagi si Cristine Reyes nang hindi niya makakalimutang karanasan sa Immigration sa Pilipinas.
Ang kanyang nakatutuwa at nakaka-tensyong karanasan ay nangyari noong tumulak siya papuntang Morocco para sa shoot ng kanyang pelikulang “Martyr or Murderer.”
Sa convo na ibinahagi niya, naitanong sa kanya ng Immigration officer kung saan siya pupunta.
Simple lang ang naging tugon niya.
Aniya, sa Lisbon sa Portugal ang kanyang destination.
Medyo nawindang daw ang officer kaya after 10 minutes ay muli siyang tinanong kung saan ang kanyang pupuntahan.
Pinanindigan naman niya na Portugal-bound siya.
Inulit-ulit daw ng officer ang tanong sa kanya tungkol sa kanyang travel destination.
Noon na lang daw siya naalimpungatan na sa Morocco nga pala ang siya pupunta.
Hirit ni Cristine, naloka raw siya kung bakit Portugal lagi ang namumutawi sa kanyang bibig nang kausap niya ang taga-immigration.
Sa huli, humingi ng dispensa ang aktres sa kanyang pagkakamali.
Aniya, sobra lang daw siyang stress at wala pang tulog kaya naman kalat ang kanyang pag-iisip.
Sey niya: “Sorry na.. pwede magkamali? Wala po kasi akong tulog. Ilang araw na po sabaw.”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang kanyang kakaibang karanasan sa Philippine Immigration.
Ito ang mga hirit ng kibitzers.
“Palusot si teh, baka akala niya ang Morocco ay nasa Portugal.”
“Lutang lang siya dahil baka nga ngarag lang sa trabaho.”
“Kung sakali, napurnada ang trip niya. Buti na lang hindi siya na-offload sa immigration.”
“Huwag judgmental. Para namang ang perpekto ninyo. At least honest siya na ‘sabaw’ siya.”(Archie Liao)