WebClick Tracer

SPORTS

Donovan Mitchell, Cleveland Cavaliers alpas sa Brooklen Nets

Nasupot sa net ang 3-pointer ni Isaac Okoro 1.1 seconds na lang sa orasan at inagawan ng Cleveland ng panalo ang Brooklyn 116-114 sa NBA game Huwebes ng gabi sa Barclays Center.

Sa pang-11 points ni Okoro ay hindi nasayang ang team-high 31 points ni Donovan Mitchell. May 25 pts., 16 rebounds si Evan Mobley at 12-10 si Jarrett Allen sa Cavaliers (47-28) na nanatili sa fourth sa East.

Tapon sa basurahan ang 32 points ni Mikal Bridges at 25 markers, 12 assists ni Spencer Dinwiddie sa Nets (39-34) na napigil sa seventh, kalahating laro sa likod ng Heat (40-34) sa huling slot sa sure playoffs na hindi dadaan sa play-in.

Abante pa ang Brooklyn 104-94 kalagitnaan ng fourth pero tyinaga ng Cavs.

Sa final 9 seconds, dalawang beses nagmintis ang tip shot ni Mitchell bago hinablot ni Caris LeVert ang offensive board at binatuhan si Okoro sa sulok para sa winner. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on