WebClick Tracer

OPINION

I-ban ang fire drill ngayong summer

Pagbukas ng telebisyon nitong Biyernes, tumambad ang balitang 100 estudyante ang dinala sa ospital matapos mahilo at mahirapang huminga matapos ang isnagawang fire drill sa isang eskwelahan sa Cabuyao City sa Laguna.

Bukod sa matinding init, nag-pass out ang mga estudyante dahil sa gutom at dehydration kaya naman sinisi ng mga magulang ng mga bata ang organizer ng naturang fire drill.

Kasi nga naman, bakit kung kelang mainit ang panahon doon nila isinagawa ang fire drill. Bakit hindi ginawa noong Disyembre o Enero kung saan medyo malamig ang klima.

Napakatanga rin naman ng principal ng nasabing paaralan dahil pumayag sila sa pakulo ng lokal na Bureau of Fire na magsagawa ng fire drill sa panahon na papalapit na ang kuwaresma.

Sa ngayon pumapalo sa 39 to 40 egree celsius ang init kaya naman talagang hindi malayong mahilo, ma-dehydrate o di kaya’y makaranas ng heat stroke o di kaya’y atakihin ang sinumanng hindi makakayhanan ang sobrang init ng klima sa kasalukuyan.

Kaya kung ako naman sa Bureau of Fire, i-hold nila ang kanilang fire drill dahil hindi akma sa panahon ngayon. Okay, given na fire prevention month ngayong Marso pero hindi dapat gawin yan sa katirikan ng araw.

Itong fire drill sa isang paaralan sa Cabuyao City, ginawa nila sa hapon, sa pagitan ng alas-dos hanggang alas-kuwatro. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nila at iyong naisip nilang oras para isagawa ang fire drill.

Bakit hindi nila ginawa sa umaga, mga alas-siyete ng umaga or alas-otso kung saan hindi pa masyadong ramdaman ang init. Eh pagpasok nga ng alas-nuwebe ng umaga mararamdaman mo na ang init ng panahon, what more pa kung alas-dos ng hapon.

Ang masama pa doon, ang organizer ng fire drill na iyon sa Gulod National High School – Mamatid Extension, eh walang koordinasyon sa barangay pati na sa lokal government kaya nang mangyari ang insidente, ayun nataranta ang lahat at hindi malaman ang gagawin.

Parang sinisi ang principal pero sa tingin ko hindi lang siya ang dapat sisihin kundi ang Bureau of Fire. Sino ba ang may kakayahan sa paggabay sa pagsagawa ng ang fire drill, hindi ba’t ang Bureau of Fire?

Kung ako naman sa principal, mag-isip siya ng tama para hindi mapahamak ang kanyang mga estudyante. Sa ngayon, mas mainam ma ipagbawal muna ang fire drill sa mga paaralan o kahit saan mang lugar para hindi mapahamak ang sinuman.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on