Labis na kinaaliwan ngayon ang Facebook reel ni Kim Chiu kung saan ay makikitang nakaakyat siya sa puno ng buko. Four days ago pa lang niya ito ipinost pero sa ngayon ay umaabot na sa 10M ang views nito.
Ang nasabing video ay kuha nang mag-bonding ang AngBeki na sina Kim, Bela Padilla at Angelica Panganiban sa bahay ng huli sa Subic noong nakaraang weekend.
Mapapanood sa video na nakayakap si Kim sa puno ng buko at humihingi ng tulong sa dalawang kaibigan dahil hindi na raw siya makababa.
Sina Bela at Angelica naman ay panay ang sabing “go, momshie, kaya mo ‘yan!”
Sey pa ni Angelica, “nakakalula!”
Siyempre, nakaka-shock dahil imagine si Kim, nakaakyat sa buko? Kaya naman hindi kataka-takang ang daming nagkainteres na panoorin.
Only to find out sa ending na napakababa ng puno at walang kahirap-hirap na bumaba si Kim. Saka sila nagtawanang tatlo.
Aliw na aliw ang mga netizen sa reel at tawa sila nang tawa kay Kim.
“Kimmy you’re so cute & funny in climbing the coconut tree, thinking it was the regular tall coconut tree.Anyway we’re amazed of what you did,funny girl KIM CHIU,” sey ng isang netizen.
Ipinost din ni Kim sa kanyang Instagram page ang reel and same reactions ang mga netizen pati na ang mga kapwa-artista.
Komento ni Angelica P, “Wheew! Mga baliw!”
Tawa naman ng tawa si Bela.
Sey naman ni Andi Eigenmann, “I diedd!!”
Reaksyon namang ng isang netizen, “dami kong tawa akala ko mataas un puno.nabudol ako doon hahaha.”