WebClick Tracer

SPORTS

Lauren Hoffman rumesbak

Ilagan — Rumesbak si Fil-Am Lauren Hoffman sa women’s 400m hurdles upang makaginto, sinilat si reigning national record holder Robyn Brown sa ICTSI Philippine Athletics Championships Biyernes ng hapon Isabela Sports Complex dito.

Pumoste ang kaakit-akit na si Hoffman, 23, ng 57.56 segundo upang ungusan si 2021+1 Vietnam SEA Games bronze medalist Brown (57.87) na nagkasya sa pilak at si Vietnamese Nguyen Thi Ngoc na nakatanso (1:00.90).

“I am overwhelmed,” anang pambato ng San Jose Track Club bet na produkto ng NCAA Division I Duke University. “I was out for nearly four years and it is so good to get back into the competition.”

Pangresbak ito ni Hoffman makaraang mag-silver sa 100m hurdles noong Miyerkoles sa anim na araw kompetisyong inoorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association na matatapos sa Linggo.

Ang panalo ay naglagak sa kanya na maging kandidatong miyembro ng national team na nakatakdang sumabak sa 32nd SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 5-17.

Gayundin si reigning SEA Games champion Melvin Calano na bumida men’s javelin throw sa pinukol na 66.31-metro (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on