Semis Game 2 sa Linggo (Ynares Center-Antipolo)
4:30 pm – TNT vs Meralco
6:45 pm – Ginebra vs SMB
Maagang umarangkada ang TNT, itinuloy sa third quarter bago ikinampay ang 110-80 win laban sa sister team Meralco sa Game 1 ng kanilang PBA Governors Cup semifinals sa Ynares Center-Antipolo Biyernes ng gabi.
Kumontak ng 22 points, 13 rebounds, 12 assists at tigalawang steals at blocks si Rondae Hollis-Jefferson para pangunahan ang Tropang Giga. May 21 points pa si RR Pogoy, 15 kay Calvin Oftana.
Dineliver ni Mikey Williams ang 12 sa kanyang 14 points sa 35-21 third quarter blitz nang pumasok ang TNT sa fourth na milya na ang layo 92-66 bago pinabuka pa sa 33.
Diyeta sa 27 of 82 shooting ang Bolts, 5 for 21 sa 3s. Napuwersa pa sa 14 turnovers – kalahati rito sa steals – na naging 23 points ng Tropa.
Naigapos sa 12 points, 14 rebounds si KJ McDaniels.
Sa first game, sa harap ni skipper LA Tenorio ay nilango din ng Ginebra ang San Miguel Beer 121-112 sa opener ng kanilang hiwalay na serye.
Nasa sidelines si Tenorio, may sariling pakikibaka sa colon cancer, nagbibigay ng suporta sa mga kakampi.
“It’s a great honor that he is with us doing things he wants to do while he’s doing the things he needs to do,” ani coach Tim Cone sa kanyang veteran playmaker.
Inumpisahan ng Beermen ang fourth quarter sa 15-0 run para ibuhol sa 95 bago muling gumana sina Jamie Malonzo at Christian Standhardinger, nakisali na rin sina Justin Brownlee, Stanley Pringle at Scottie Thompson.
Game 2 ng parehong series bukas sa Antipolo venue rin. (Vladi Eduarte)