WebClick Tracer

NEWS

Cong Lagman: Ayaw ng mga negosyante sa Cha-Cha

Kakampi ni Albay Rep. Edcel Lagman ang anim na malalaking grupo ng negosyante sa bansa, kabilang ang Makati Business Club, sa pagkontra umano sa charter change (Cha-Cha).

Ayon kay Lagman, sang-ayon ang grupo sa kanyang posisyon na ang Cha-Cha sa pamamagitan man ng Constitutional Convention o sa iba pang paraan ay hindi napapanahon dahil higit na kailangan ng pamahalaan na tutukan ang pagtugon sa mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa tulad ng kahirapan, inflation at food security.

“A political debate on amending the Constitution will be disruptive of the country’s economic recovery momentum and divisive at a time when national unity must be forged,” dagdag pa ng kongresista.

Maging ang milyon-milyong gagastusin umano sa Con-Con ay dapat ilaan na lamang para sa mga kailangang reporma na higit na mapapakinabangan ng taumbayan at ipatupad muna ang kasalukuyang estado ng liberalisasyon sa pagpasok ng mga foreign investment. (Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on