Mukhang malapit-lapit na ang pagbabalik ni Enrique Gil matapos maispatang kasama ng CEO at founder ng Bookt Philippines na si Ranvel Rufino.
Magkasama si Enrique at si Rufino sa post, kilalang nagbu-book sa mga celeb para sa sa endorsements, appearances at iba pang projects.
Sey ni Rufino sa kanyang post, “Birthday trip for the Birthday boy. Sometimes you just need to take a step back and breathe. Restart and reboot. Comeback with a refreshed mindset. Have zero doubts on our next moves and I’m excited for more opportunities ahead. Onwards and upwards! #KingOfTheGil”
Malapit na nga ang birthday ng aktor, pero hindi lang pagbati kundi pang-uurirat din ng ilang netizen ang kanyang natanggap. Marami ang nagtatanong at nang-iintriga kung hindi na nga ba sila makikitang magkasama ng real-life girlfriend niyang si Liza Soberano ? Kahit sa gitna ng pinagdadaanan niyang kontrobersiya ay walang nakitang photo nila together.
Pinagbabawalan na nga ba silang dalawa na magkasama?
Komento pa ng netizen na si donya_bongga, “Sad to say mr. Ranvel, parang bussiness move yan , ok naman lalo sa part mo sir, being the manager, paano naman yung personal side ni quen lalo sa part nang heart nya yung happiness na galing sa puso, alam po ninyo at lahat nang nag mamahal kay quen at hopie na may konting something sa kanila, di nama lagi bussiness at financial side nag papasaya sa tao, maging FAIR tayo sa damdamin ni quen at ni hopie, sorry sir, yun ang feel ko sa birthday message mo kay quen, thank you, ingat lagi.”
Well, kahit may mga ganitong hanash sa move na ito sa career ng LizQuen, may solid fans pa rin silang nagtatanggol sa kanilang dalawa .Marami pa rin ang natutuwa sa anumang desisyon na kanilang ginagawa at patuloy na sumusuporta sa kanila.