Tatlong tinatawag na lawless elements ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang joint operation Sa Purok Pang-Pang, Barangay Bangkaw-Bangkaw, Naga town, Zamboanga Sibugay Province.
Sinabi ni Joint Task Force Zamboanga PeLan Commander, Maj. Gen. Antonio Nafarrete, na katuwang nila ang Criminal Investigation and Detection Group, PNP Special Action Action Force, at Naga Municipal Police Station.
Nanguna sa operasyon ang 44th Infantry Battalion sa paghahain ng search warrant numbers noong Marso 15, 2023.
Paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition ang kinahaharap na kaso ng mga ito.
Naaresto sina Sherham Timbang Alsree, a.k.a. Samundo, 33; Karhi Timbang Alsree, 28; at Alih Jaji Alsree, 20, pawang mga residente ng Bangkaw-Bangkaw.
Sila rin ang sinasabing mga suspek sa pagpatay kay Bangkaw-Bangkaw Barangay Chairman Abubakar Abdurahim Nieto, a.k.a. Bakang, at anak nito noong July 4, 2021.
Nakuha sa kanila ang iba-ibang uri ng armas. (Catherine Reyes)