Sina Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” Frasco ng Cebu (Distrito 5), Pablo John “PJ” Garcia ng Cebu (Distrito 3), at Manuel “Chiquiting” Sagarbarria ng Negros Oriental (distrito 2) ay lumabas bilang pinakamahusay na Congressman sa Central Visayas Region, ayon sa independent, non-commissioned na “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD).
Statistically-tied sina Congressman Frasco (95 percentage points), Garcia (95.2 percentage scores), at Sagarbarria (95.1 percentage marks).
Ang mga mambabatas na si Edu Rama Jr. ng Cebu (D2) ay pumangalawa na may 91.5% na marka ng pagtatasa, na sinundan ni Rhea Gullas ng Cebu (D1) na may 88.6% na rating ng kasiyahan sa trabaho sa ika-3 puwesto, si Cynthia Chan ng Lapu-Lapu City job approval rating na 86.4% ang ikaapat na puwesto habang sina Edgar Chatto ng Bohol (D1) na may 85.7% at Jocelyn Limkaichong ng Negros Oriental (D1) na may 85.5% ay istatistikal na nagtabla sa ikalimang puwesto.
Ang mga kinatawan na sina Maria Vanessa Aumentado ng Bohol (84.9%), Emmarie Quano-Dizon ng Mandaue City (83.6%), Daphne Lagon ng Cebu, D2 (83.5%), Lexie Tutor ng Bohol, D3 (82.7%), Janice Salimbagon ng Cebu, D4 (82.3%), Peter John Calderon ng Cebu, D7 (81.8%), Rachel Del Mar ng Cebu, D1 (81.6%), Zaldy Villa ng Siquijor (75.3%) at Edsel Galeos ng Cebu, D2 na may 75.1% na pwesto sa ika-6 hanggang ika-10 puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, si Rep. Arnie Teves ng Negros Oriental (D3) ay may dismal performance rating na 33%. Itinigil ang Negros Oriental (District 3) survey noong Marso 4, 2023, para sa kaligtasan ng field team ng RPMD, kasunod ng pagpatay kay Governor Roel Degamo, na may 93% approval rating, at walong iba pang nasawi. Ang mga rating para kay Gobernador Degamo at Rep. Teves ay natipon sa pagitan ng Pebrero 28 at Marso 3, 2023.
Binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez, ang Executive Director ng RPMD, na sinusuri ng mga nasasakupan ang performance ang kanilang mga Congressman sa tatlong pamantayan: “representation”, “legislation”, at “constituent service”.
Ang survey na “House of Representatives Public Satisfaction” ay bahagi ng nationwide poll ng RP-Mission and Development Foundation Inc. na “RPMD’s Boses ng Bayan,” na nag-poll sa 10,000 rehistradong botante bawat distrito sa bawat rehiyon mula Pebrero 25 hanggang Marso 8, 2023.