Ejay Falcon and Jana Roxas are now husband and wife. Ikinasal sila nitong March 25 via Christian ceremony sa Enderun Tent, McKinley Hill, Taguig City .Dinaluhan ng kanilang pamilya, mga kaibigan, kapwa-celebrities and politicians.
Agaw-pansin sa garden wedding ang 10-second kiss ng bride and groom at ang kani-kanilang wedding vow na sila mismo ang personal na nagsulat.
Simula ni Ejay, “paulit-ulit, mahal kita Jana Roxas. Mahal kita, baby.”
Bahagi pa ng vow ng aktor, “simula pa lang ito ng mas maraming masasayang moments with you. I know hindi ito magiging perfect, marami pa ring challenges o pagsubok, pero kakayanin natin together.
“Baby, hindi ko maipapangako na magiging perfect husband ako. Alam ko, maraming pagkakataon na mawawalan ako ng oras dahil sa katungkulan na ipinagkatiwala sa akin ng Oriental Mindorenos.
“Alam kong may mga moments na puwede kang mapagod sa pag-intindi sa sumpong ko. Alam kong darating ang pagkakataon na meron tayong hindi pagkakaunawaan, may moments na mag-aaway tayo sa mga bagay-bagay.
“Pero, baby, sana sa mga oras na yun, huwag mo akong bibitawan. Alam na alam mo na hindi ko kaya na wala ka.”
Pangako pa ni Ejay, “hindi ako magiging perfect husband pero I will do my best every day to be a best husband that you truly deserve.”
Naging emosyonal naman ang Starstruck Avenger alumna sa kanyang wedding vow.
“Vice Gov Ejay, my baby, today, surrounded by all our loved-ones, I am the happiest woman in the room because I am marrying my best friend and the love of my life.
“Seven years ago, hindi ko inakala that God would bless me with the most beautiful gift, which is you,” ang umiiyak na pahayag ni Jana.
“Sabi mo nga, nagsimula tayo bilang magkaibigan. At tama ka, mabilis ako na-in love sa iyo. Dahil nakita ko na hindi ka lang guwapo, siyempre, at may abs nung time na iyon,” magkahalong iyak at tawang sabi pa ni Jana.
Sa huli ay mensahe niya sa asawa, “Pinapangako ko sa iyo, hindi ako magiging perfect wife, pero ita-try ko ang best ko na maging perfect para sa iyo at sa mga future babies natin.
“O, babies, alam mo na, bawal laging sabihing pagod.”
Tawanan ang mga tao.
“Alam mo ang pagod sa Mindoro, pero kahit isa muna, sana, try-try din,” sey pa niya habang patuloy ang tawanan.